Monday, May 6, 2024

Mga nakumpiskang illegal drugs doble ang nakuha sa loob ng tatlong taon ng administrasyong Duterte — PDEA

- Advertisement -

Binigyang diin ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) na mas doble ang nakumpiskang illegal na droga ng ahensiya sa loob ng tatlong taon kumpara noong nakaraang administrasyon.

Ito ang binigyang diin ni PDEA Dir. General Aaron Aquino kaugnay pa rin ng inilabas na drug war report ni Vice President Leni Robredo at ang tumayo ring ICAD co-chairperson sa loob ng 18 araw.

Ayon kay Aquino, mula taong 2016 ay umabot na sa 5.24 tons ang kanilang nakumpiskang illegal na droga, kumpara sa naitalang 3.29 tons na kabuuang dami ng illegal na droga na nakumpiska sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino.

Kaugnay nito, sinabi naman ni dating Senador Bong Bong Marcos na mistulang puro pang babatikos lamang ang layon ni Robredo sa kaniyang drug war report.

Aniya, hindi kasi isinulat ang naturang ulat para matulungan ang administrasyong Duterte na mapaganda at mapaayos ang kampanya kontra illegal na droga bagkus ay para batikusin lamang ang mga aksyon ng Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img