28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Resolusyon ng US na maparusahan ang mga nagpakulong kay De Lima, inalmahan ng Malakanyang

- Advertisement -

Bumuwelta ang Malacañang sa inaprubahang resolusyon ng Estados Unidos na naglalayong magpataw ng parusa sa lahat ng may kinalaman sa pagkakakulong ni Sen. Leila De Lima.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat patuloy na iginagalang ng Pilipinas ang U.S. Senate ay hindi nito kailanman hahayaan ang baluktot na mga desisyon ng mga ito.

Sinabi ni Panelo na labis na nakadidismaya ang paglusot ng U.S. Senate resolution 142 na nang-hihikayat kay U.S. President Donald Trump na patawan ng parusa ang mga ito sa bisa ng global magnitsky human rights accountability act.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -