Sunday, May 5, 2024

Laban kontra COVID-19 sa bansa malayo pa ang tatahakin —Nograles

- Advertisement -

Malayo pa ang tatahakin ng bansa sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles sa gitna ng COVID-19 crisis na kinaharap ng Pilipinas.

Ayon kay Nograles, bagama’t puspusan ang pagsisikap ng gobyerno upang malabanan ang COVID-19 ay hindi pa aniya tapos ang laban.

Aniya, may mga magandang developments naman ngunit mas makabubuti na aniyang makasiguro lalo na’t kalusugan ng publiko ang nakataya sa banta ng COVID-19.

Matatandaang pinalawig pa ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon hanggang sa Abril 30.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img