28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Libreng gas sa mga bus unit na nagbibigay ng libreng sakay sa mga frontliners kasado na — DOTr

- Advertisement -

Nakipagsanib puwersa na rin ang Department of Transportation (DOTr) sa iba pang oil companies para mabigyan ng libreng gas ang mga sasakyang ginagamit sa libreng pagsundo at paghatid sa medical frontliners.

Katuwang na rin ng DOTr ang Clean Fuel at Total Philippines sa pagbibigay ng libreng gas sa mga bus unit na kasali sa free ride for health workers program.

Sinabi ng DOTr na malaking tulong ang Clean Fuel at Total Philippines para matiyak ang tuloy tuloy na serbisyo sa mga health workers na modernong bayaning nagsasakripisyo para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Nabatid na 40 liters ng fuel ang ibibigay ng Clean Fuel sa Kamias at Binian branches nito sa 20 bus units mula ngayong araw na ito hanggang matapos ang pinalawig na lockdown.

Samantala ang Total Philippines naman ay magbibigay ng libreng gas sa 30 participating bus units o P1,000 kada unit at P300 sa mga sasakyan ng medical frontliners simula rin ngayong araw na ito hanggang April 17.

Una nang naging ka partner ng DOTr ang Phoenix Petroleum Philippines sa pagsagot sa libreng gas bilang subsidy sa mga bus unit na kasali sa DOTr free ride for health workers program.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -