Monday, May 6, 2024

Kumpirmadong COVID-19 cases sa QC mahigit 2,000 na

- Advertisement -

Pumalo na sa kabuuang 2,965 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.

Ito ang inilabas na datos ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Sa naturang bilang, 2,886 ang nakumpirma ng Department of Health (DOH) at tukoy na ang kinaroroonan ng mga ito.

At 2,849 naman sa mga ito ang tapos ng ma-validate ng epidemiology and surveillance unit ng lungsod.

Sa kaparehong datos, naitala rin ang kabuuang 971 na active cases, 1,658 naman ang nakarekober o gumaling na sa COVID-19, habang 220 naman ang nasawi dahil sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img