COVID-19 cases sa Taguig City patuloy na nadadagdagan

0
23

Muling nadagdagan ng 25 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig.

Sa pinakahuling datos, nasa kabuuang 714 na ang kumpirmado sa nakamamatay na virus.

Ang naturang panibagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa bahagi ng Bagumbayan, Fort Bonifacio, Central Bicutan, South Daang Hari, Pinagsama, maging sa Upper at Lower Bicutan.

Sa datos, lumalabas na sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 na mayroon ng 82 kaso nito.

Samantala, sa kaparehong bulletin, naitala naman ang 3,753 na mga suspected cases, 142 naman ang gumaling na rito, at 21 na ang nasawi dahil sa virus.