Monday, May 6, 2024

Kampo ng grupong Maute-ISIS sa Lanao Del Sur nakubkob ng militar

- Advertisement -

Nakubkob na ng militar ang kampo ng grupo ng mga nalalabing miyembro ng Maute-ISIS o Daulah Islamiyah sa Lanao Del Sur.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Junior, commander ng 103rd brigade, tatlong sundalo ang nasugatan at dalawang miyembro ng Maute-ISIS ang hawak na ng militar matapos ang matinding bakbakan sa bayan ng Sultan Dumalondong.

Pinamumunuan ang naturang grupo ng isang alyas Abu Dar na sinasabing nakatakas sa limang buwang sagupaan sa Marawi City, noong 2017.

Samantala, hinimok naman ni Brawner ang mga residente na iwasang mag-panic dahil kontrolado na ng militar ang sitwasyon.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img