Sunday, May 5, 2024

Isa sa private prosecutors ng Maguindanao massacre hindi ikinatuwa ang hatol

- Advertisement -

Hindi lubusang ikinatuwa ng isa sa mga private prosecutors ng Maguindanao massacre case ang ibinabang hatol sa mga akusado.

Ayon kay Atty. Nena Santos, bagamat napatunayang guilty ang mga pangunahing akusado sa malagim na Maguindanao massacre case ay hindi pa rin sila kampante dahil nanatili pa ring at-large o nagtatago sa batas ang 80 sa 197 ang mga akusado.

Matatandaang, sa 101 na hinatulan nitong Huwebes, December 19, nasa 42 ang napatunayang guilty sa krimen habang 55 naman ang napawalang sala.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Santos na nais din nila na magtalaga ang Korte Suprema ng isang grupo na tututok sa kaso sakaling i-apela ng mga nahatulang guilty ang hatol.

Paliwanag ni Santos, ito ay upang hindi na abutin pa ng mahabang panahon at mas mapag aralan ng mabuti ang anumang magiging apela.

Dahil maraming mag apela, siguro ang hinihingi namin na ang mag designate din ng isang division sa Korte Suprema para sila rin ang mag resolve dun sa mga kaso ng apela na kung inaakyat sa kanila. Para mas mabilis at ma-consolidate, para huwag naman sana abutin ng 10 years para magkaroon ng resolusyon.—ani Santos, sa panayam ng DWIZ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img