Pagbabago sa ‘national building code’ isinusulong

0
49

Isinusulong ni Senator Panfilo Lacson ang isang panukalang batas para baguhin ang national building code.

Ito ay matapos na tamaan ng sunod-sunod na malalakas na pagyanig ang rehiyon ng Mindanao kung saan ilang tao ang nasawi at nag-iwan ito ng matinding pinsala sa ari-arian at imprastraktura.

Sa ilalim nang inihaing Senate bill number 1239, sinabi ni Lacson na dapat nang i-update ang building safety standards sa bansa upang ma-protektahan ang publiko sa anumang sakuna.

Dagdag pa ni Lacson, panahon na para matuto ang pamahalaan dahil sa tindi ng pinsalang idinudulot ng mga malalakas na lindol sa bansa.

Aniya, ang hakbang din na ito ay upang maging handa rin ang mga otoridad sa mga tatama pang pag-yanig sa bansa.

Matatandaang, apat sa tatlong malalakas na lindol ang tumama sa Cotabato noong buwan ng Oktubre at nito lamang December 15 naman ng maramadaman ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur.