29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Target Sa Search Warrant Implementation Sa Bato, CamSur Patay Matapos Umanong Manlaban

- Advertisement -

Patay matapos umanong manlaban sa mga otoridad ang isang lalaki na target ng search warrant implementation at miyembro din umano ng Concepcion Criminal Group sa Bato, Camarines Sur.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang nasawi kinilalang si aka “Arnel”, nasa tamang edad, residente ng Barangay Buluang, Bato Camsur.

Sa impormasyon mula sa Bato Municipal Police Station, dakong ala-1:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Hahainan daw sana ng mga operatiba si Lascano ng search warrant para sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) subalit paparating palang ang mga Pulis ay nagpaputok na umano ito ng baril saka mabilis na tumakas sa madamong bahagi ng lugar.

Sa pagganti ng putok ng mga operatiba, tinamaan ang suspek daan para sa agaran nitong pagkamatay.

Narekober sa lugar ang isang (1) 9mm machine pistol, isang (1) kalibre .38 baril na kargado pa ng mga bala, isang (1) magazine para sa 9mm at limang (5) mga bala.

(Source: Rinconada News Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -