Sunday, June 23, 2024

Iriga: Nasa Mahigit 135k Na Mga Magniniyog Sa Bicol, Mabebenepisyuhan Ng Coco Levy Trust Fund

- Advertisement -

Bicol Region – Tinatayang aabot sa kabuuang 135,507 na mga magniniyog sa Bicol ang target na mabenepisyuhan ng mga programa at serbisyo sa ilalim ng Republic Act 11524 o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay PCA-Bicol Regional Manager Mateo Zipagan, ngayong buwan ay aabot sa 54% o mahigit 74,000 coconut farmers, workers, at administrators ang matagumpay na nakapagrehistro sa National Coconut Farmer’s Registry System o NCFRS.

Ayon kay Zipagan, maituturing umanong “game changer” ang coco levy fund at inaasahan nilang aabot sa 5 billion ang coconut funding ang makukuha rito para sa rehiyon.

Target nitong bigyang prayoridad ang papa unlad hindi lamang ng coconut technology kundi maging ng high-value at farms kabilang na ang mga copra facilities at sa pamamagitan ng hybridization ay mapapataas din ang ani at produksyon.

Layon din ng gobyerno sa pamamagitan ng nasabing batas ang pagpapabuti ng irrigation services, credit programs aat makapag lunsad ng mga skills traning para sa mga magniniyog.

Samantala, inihayag din nitong nagpapatuloy ang mass registration para sa lahat ng coconut farm owners, owner-tillers, tenants, farmworkers, at laborers sa rehiyon para sa re-evaluation at re-survey ng NCFRS.

Ito ang opisyal na talaan ng pamahalaan na ang layunin ay mabigyan ng pagkakakilanlan ang mga magniniyog sa bansa at siya ring ginagamit na batayan sa pagpili ng mga magiging benepisyaryo ng mga programa at proyekto sa ilalim ng Coco Levy Trust Fund.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -