31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Iriga: Klase sa mga Pampublikong Elemtarya at Sekondarya sa Naga city, Suspendido ng isang linggo dahil sa mataas na kaso ng covid-19

- Advertisement -

Iriga City – Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralang pang Elementarya at Sekondarya sa Naga City sa loob ng isang linggo.

Visit RPN DZKI Iriga

Ito ang nakapalaman sa Division Memorandum No. 19 series of 2022 na pirmado ni OIC Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman dahil sa mataas na COVID-19 Cases.

Nangangahulugan na walang synchronous at asynchronous classes. Wala ring kukuha o maghahatid ng Learning Modules at Learning Packets. Wala ring Physical Reporting ang mga guro. Dahil dito extended ang School Calendar ng Academic Year 2021-2022 sa Hulyo 1, 2022.

Sa hakbang naniniwala ni De Guzman na mababawasan ang hawaan ng virus dahil malilimitahan ang galaw ng publiko.

Kahapon 128 ang naitala ng Naga. Mayroon na ring mga school personnel na positibo sa antigen test at RT-PCR Test.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -