Saturday, May 25, 2024

Iriga: COMELEC-Albay, pinaghahandaan na ang pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato ngayong May 2022 election

- Advertisement -

Inihayag ni Albay Provincial Election Supervisor – Atty. Calixto Aquino Jr,. na kasalukuyan nang pinaghahandaan ng kanilang tanggapan ang nalalapit na pagsasagawa ng mga proclamation rallies ng mga local candidates ngayong May 2022 election.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Aquino, nakatakda silang maglatag ng plano para sa ipasusunod na sistema ng mga rallies ng mga kandidato sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Tiniyak rin ng opisyal na istrikto umanong imo-monitor ng Provincial COMELEC Campaign Committee ang campaign activities ng mga tatakbo para sa provincial positions habang ang Municipal at City Campaign Committee naman ang tututok para sa mga lungsod at bayan.

Paalala ng COMELEC-Albay sa mga kandidato, kumuha muna sakanila ng permit bago magsagawa ng anumang rallies, miting de avance at iba pang uri ng mga aktibidad sa pangangampanya.

(Source: COMELEC Bicol | BNFM Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -