Iriga City – Apat na lamang ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur kahapon.
Mga residente ng Lubgan at Pawili bayan ng Bula, tig isa naman sa Barangay San Miguel at Caroyroyan Pili. May apat na nag positibo sa repeat swab mga residente ng Calabanga, Nabua, Pamplona, Pili at San Fernando.
28 ang nakarekober kahapon. 311 ang aktibo. Sa pangkalahatan 16, 808 ang cumulative cases sa lalawigan, 15, 877 ang recoveries.
Patuloy din ang pagbaba ng kaso sa Naga City, kung saan base sa tala ng Department of Health Bicol, kahapon ay apat rin ang new cases.
Ayon kay Ken Nuyda ng Epidemiology Surveillance Unit 5, kaunti ang sinusuri ngayon dahil kaunti rin ang cases sa loob ng tatlong linggo, kung kaya kakaunti rin ang kanilang close contacts. Gayun paman, tuloy ang active surveillance.
(Source: Bicol News)