Naga City – Nagsimula na sa limited face-to-face ang dalawang pampublikong paaralang pang sekondarya sa Naga City.
Kinumpirma mismo ito ni Dr. Manny De Guzman, School Division Superintendent ng DepEd Naga.
Nakapag comply ng mga requirements ang Carolina National High School at Tinago National High School. Bukas ito para sa mga estudyanteng fully vaccinated.
Mababatid na una nang sinimulan ang parehong sistema sa Panicuason, Elementary School.
Sinabi ni De Guzman na maging ang ilang paaralan sa lungsod, pinaghahandaan na rin ang nasabing sistema at sa oras na maibigay na lahat ng kailangan agad naman nilang i-rerekomenda.
(Source: Bicol News & Updates)