Monday, May 6, 2024

Ilang PBA players pinagmulta dahil sa paglabag umano sa quarantine protocols

- Advertisement -

Pinatawan ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ng tig-P20,000 multa at pinakukuha ng swab test sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine.

Ito ay matapos na maglaro ang dalawa sa five-on-five basketball sa isang gym sa Greenhills, San Juan noong nakalipas na linggo na malinaw na paglabas sa umiiral na quarantine protocols.

Batay sa ibinabang utos ni PBA Commissioner Willie Marcial, binibigyan na lamang nila ang dalawang manlalaro hanggang ngayong araw ng Martes para sumailalim sa swab testing.

Bukod dito, pinagco-community service din sina Aguilar at Wong ng 30-oras at pagsasailalim sa 14-day quarantine bago kumuha ng confirmatory test upang mabigyan ng clearance.

Samantala, bukod sa dalawa, kasama rin nilang maglaro sina Thirdy Ravena at Isaac Go.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img