29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Victoria State sa Australia muling isasailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Muling isasailalim sa lockdown ang Victoria State sa Australia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar.

Ayon kay Victoria State Premier Daniel Andrews, magsisimulang ipatupad ang lockdown alas-11:59 ng gabi ngayong araw ng Martes at tatagal ito ng limang araw o higit pa, depende kung bababa ang kaso ng COVID-19 sa kasagsagan ng lockdown.

Magpapakalat rin ang estado ng militar at kapulisan sa border ng Victoria at New South Wales upang matiyak na walang makakalabas-pasok habang umiiral ang lockdown.

Sa ngayon, umakyat na sa 2,663 ang kaso ng COVID-19 sa Victoria habang 22 naman ang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -