Friday, May 17, 2024

Ilang mambabatas umapela na talakayin na ang isyu ukol sa ABS-CBN franchise

- Advertisement -

Umapela ang ilang mambabatas kay House Speaker Alan Peter Cayetano na talakayin na ang isyu sa nakabinbing franchise renewal bills ng ABS-CBN.

Sa liham na ipinadala ng mga mambabatas para kay Cayetano, nakasaad na responsibilidad ng kongreso na tapusin na ang isyu bumabalot sa franchise renewal ng nasabing network.

Anila, batid nila na na ekstra-ordinaryong panahon ang bansa dahil sa krisis na kinahaharap ng Pilipinas, ngunit panahon na para maresolba ang isyu na ito dahil magdudulot ito ng epekto sa ekonomiya ng bansa.

Nilagdaan ng 14 na mambabatas ang naturang liham kabilang na sina Cong. Johnny Pimentel, Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, Rufus Rodriguez, Sarah Elago, Sol Aragones, France Castro at iba pa.

Una rito, nag isyu ng show cause order ang house committee on legislative franchises laban sa mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) para pagpaliwanagin  ang mga ito sa pag-isyu nila ng cease and desist order sa ABS-CBN.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -