Sunday, June 23, 2024

General Santos: City Disaster, Calamity Fund Simot Na Sa Covid Response

- Advertisement -

General Santos City – Simot na ang kabuuang budget ng city government para pondohan ang anumang relief at disaster response, sa gitna nang patuloy na kampaniya kontra coronavirus disease 2019 pandemic.

Visit RPN DXDX General Santos

Sa pagharap nito sa 100th regular session ng Sangguniang Panlungsod, inamin ni City Disaster Risk Reduction and Management Office chief Dr. Bong Dacera na wala ng pondo ang pamahalaang lungsod para tugunan ang mga pangangailangan sa relief at calamity response, dahil naubos na umano ang “all available funds” na inilaan para sa nabanggit na trabaho ng CDRRMO.

Paliwanag ni Dacera, naubos ang kabuuang pondo dahil sa nagpapatuloy na Covid response ng LGU.

Naungkat din sa question hour na maliban sa food packs, wala ng naibigay na karagdagang tulong ang city government sa mga biktima nang malawakang sunog sa Purok Saeg, Barangay Calumpang noong November 3, kung saan, mahigit 500 kabahayan ang natupok.

Ayon kay Dacera,  wala umanong maimbag na financial assistance ang LGU  kahit pa idineklara na ng barangay council ang state of calamity dahil sa kawalan ng pondo.

Ikinagulat naman ni City Councilor Franklin Gacal ang nabunyag na impormasyon mula sa  CDRRMO chief.

Nangangamba ngayon si Gacal sa malaking epekto sa mga residente, sa oras na magkaroon ng kalamidad at sakuna ngayong wala nang pondo ang pamahalaang lungsod.

(Source: LGU – GenSan | CDRRMO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -