Friday, May 17, 2024

Ex-Mayor Fred Lim nananatiling buhay, nagpapagaling sa ospital — Mayor Isko

- Advertisement -

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na naratay ngayon sa banig ng karamdaman ang dating alkalde ng lungsod na si Alfredo Lim.

Gayunman, nilinaw ni Yorme Isko na nananatiling buhay si Lim at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Una rito, inihayag ng Chief of Staff ni Lim na si Ric De Guzman na naka-confine sa hindi tinukoy na ospital ang 90 anyos na dating alkalde.

Naging abala aniya si Lim sa pag-iikot bago ang COVID-19 pandemic kung saan, nakipagkita pa ito kay Yorme Isko sa ilang mahahalagang okasyon.

Kasunod nito, pinag-aaralan na rin ng kampo ni Lim ang pagsasampa ng kaukulang reklamo sa mga nagpapakalat ng maling balita hinggil sa kalagayan ng dating alkalde.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -