29.8 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Davao: Task force Davao naka-red alert matapos ang pambobomba sa isang bus sa North Cotabato

- Advertisement -

Davao City – Magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad at naka Red Alert ngayon ang lahat ng entry point at checkpoint sa Task Force Davao kasunod ng naganap na insidente ng pambobomba sa isang yunit ng Mindanao Star bus sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. San Mateo, Aleosan, North Cotabato pasado alas-8 kaninang umaga, Enero 11, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Randy Hampac, ang Spokesperson ng Aleosan Police, pito (7) ka tao ang sugatan sa insidente kasama ang isang (1) sanggol edad limang buwan.

Sa mga entry point at checkpoint sa lungsod, pinapababa ang lahat ng pasahero ng mga bus, van, jeep, close cab at sasailalim sa masusing inspeksyon nang walang exemptions ang lahat ng bagahe at kompartamento.

Kasama rin sa pag inspeksyon ang mga pribadong sasakyan at mga motorsiklo.

Muling nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko ukol sa Culture of Security na “Kung may nakita, dapat magsalita! Isumbong ang mga kahina-hinalang tao at aktibidad sa inyong paligid.” Ito ay upang hindi malusutan ng masasamang elemento lalo na iyong maghahasik ng karahasan tulad ng grupo ng mga terorista.

(Source: Task Force Davao, PRO XII)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -