Sunday, June 16, 2024

Davao: Number 1 most wanted CPP-NPA-NDF lider ng mindanao, napatay sa isang engkwentro sa Davao de Oro

- Advertisement -

Davao de Oro – Napatay sa isang engkwentro laban sa mga tropa ng 1001st Infantry Brigade sa Brgy. Libudon, Mabini, Davao de Oro kagabi, Enero 5, 2022 si Menandro Villanueva alyas “Bok”, na nagsilbing Kalihim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), kasalukuyang Kalihim din ng Komisyong Mindanao (KOMMID), Commanding Officer ng NPA’s National Operations Command at miyembro ng POLITBURO ng Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP).

Visit RPN DXKT Davao

Isang concerned citizen ang nag-ulat sa hukbo ng kasundaluhan ukol sa presensya ng mga Communist NPA Terrorists (CNTs) sa lugar.

Agad na kumilos ang 1001st Infantry Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Brigadier General Jesus P. Durante III na nasa Focused Military Operations (FMO) sa panahong iyon, ay nagpa-deploy ng kanyang kasundaluhan upang i-verify ang ulat na nagresulta sa  isang engkwentro kasama ang Regional Headquarters-Southern Regional Committee (RHQ-SMRC) na kung saan natunton si alyas “Bok”.

Tinamaan si alyas “Bok” sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Sa kasalukuyan, nagsagawa na ng pursuit operation ang kasundaluhan sa mga tumakas na CNTs.

Sa kanyang pahayag, pinuri ni BGen. Durante ang maagap at mabilis na aksyon ng kasundaluhan na higit na nakatutulong sa pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan sa buong Davao Region.

Si Villanueva ay isa sa mga kasaping nagtatag ng NPA sa Mindanao noong 1970s kasama si Edgar Jopson. Sa kanyang mga taon ng pag-aaral sa Ateneo de Manila University, siya ay isang aktibista sa ilalim ng Kabataang Makabayan (KM). Pinangasiwaan niya ang mga operasyon ng CPP/NPA sa buong Mindanao at direktang nagkokontrol ng New People’s Army (NPA) bilang pinuno ng National Operations Command ng NPA.

Siya rin ang most wanted CPP-NPA-NDF sa Mindanao na mayroong patong sa ulo na P 5.6 milion.

Samantala, pinuri rin ni MGen. Ernesto C. Torres, Jr., ang Commander ng 10ID ang lahat ng Agila Troopers lalong-lalo na ang 1001st Infantry Brigade sa matagumpay na pagtugis ng pinakamataas na lider ng SMRC at KOMMID.

Matatandaang nagkaroon din ng engkwentro ang 1001st Brigade sa kaparehong grupo noong Disyembre 24, 2021 na nagresulta sa pagkamatay ni Anna Dandra Reyes alyas “Kaye”, ang Kalihim ng Regional White Area Committee (RWAC), SMRC.

(Source: 10th Infantry (Agila) Division, PA)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -