25 C
Manila
Sunday, January 29, 2023

Iriga: Bicol region nakapagtala ng 98 bagong kaso ng covid-19 kahapon; 0 recoveries at 25 mga nasawi, naitala rin

- Advertisement -

Muli nanamang nagdudulot ng pangamba ang pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol matapos na maitala kahapon ang nasa 98 mga bagong kaso ng sakit sa rehiyon.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa ulat ng Department of Health, naitala ng Camarines Sur ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 dahil sa 62 mga bagong nag positibo.

Sa naturang bilang, 24 sa mga ito ang mula sa Naga City; 14 sa bayan ng Pili; apat sa Cabusao; tatlo sa Goa; tigda- dalawang kaso ang mga bayan ng Bombon, Magarao, at lungsod ng Iriga habang tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Calabanga, Camaligan, Garchitorena , Lagonoy,  Libmanan, Presentacion, San Fernando, San Jose, Sipocot, Tigaon at Tinambac.

Umabot naman sa 20 ang bagong kaso ng sakit sa lalawigan ng Albay kung saan siyam sa mga ito ang mula sa bayan ng Daraga; pawang tatlong kaso ang naidagdag sa lungsod ng Legazpi at Tabaco; tig-dalawang kaso ang mga bayan ng Guinobatan at Pio Duran habang isa naman sa bayan ng Malilipot.

Samantala, sampong kaso ang naidagdag sa Sorsogon kung saan tigda-dalawang kaso ang mula sa mga bayan ng Bulan, Casiguran, Gubat at Sorsogon City habang tag-isa naman sa Juban at Prieto Diaz.

May tatlong bagong kaso rin ang islang lalawigan ng Catanduanes, dalawa nito ang mula sa Virac at isa sa bayan ng Caramoran habang may tatlong kaso rin ang Camarines Norte na mula sa mga bayan ng Daet, Jose Panganiban at Mercedes.

Bunsod nito, pumalo na sa 46,966 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 1,963 sa mga ito ang active cases.

Wala namang naiulat na bagong gumaling sa naturang sakit kung kaya’t nananatili sa 43,005 ang COVID-19 recoveries sa Bicol habang 25 ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na pawang mula ulit sa Naga City kaya sa ngayon ay nasa 1,998 na ang COVID-19 fatalities sa rehiyon.

(Source: Bicol News & Updates)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -