34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Davao: Menor de edad, huli sa buy-bust operation sa Tagum city

- Advertisement -

Davao del Norte – Nahuli ang isang menor de edad kasama ang mismong target ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng SDEU Tagum City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Ruth B. Dizon, COP kasama ang mga tauhan ng Davao Norte Police Provincial Office-Police Provincial Drug Enforcement Unit (DNPPO-PPDEU) sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Warren D. Dilem pasado alas-11 kagabi, Disyembre 7, 2021 sa Purok Busilak, Brgy. West, Tagum City.

Visit RPN DXKT Davao

Naaresto ang target na suspek na si Daryl Kit Segundo Icasiano alyas “Daryl”, 36 anyos at residente ng nasabing lugar kasama ang kasabwat nitong isang 17 anyos at residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. West, Tagum City.

Ayon sa kapulisan, pinagbilhan ng kanilang poseur buyer si alyas “Daryl” ng dalawang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 7 gramos na may kabuuang Dangerous Drugs Board (DBB) value na ₱ 47 600.00. Nakumpiska rin mula sa dalawang suspek ang cash na nagkakahalaga ng ₱ 48 100.00. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa quantitative at qualitative examination ng Davao Norte Provincial Forensic Unit XI.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Tagum CPS si alyas “Daryl” samantalang ang menor de edad ay dinala na sa Women and Children Protection Desk (WCPD) Section alinsunod sa Republic Act No. 9344.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -