Tuesday, May 7, 2024

Davao: Mangingisda, Arestado Sa Anti-Illegal Drug Operation Sa Davao City

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang isang mangingisda habang isinasagawa ang anti-illegal drug operation sa mga tauhan ng Davao City Police Office Special Operation Group/City Drug Enforcement Unit na pinagunahan ni Police Major Reuben Libera kasama ang mga tauhan ng Bunawan Police Station sa pangunguna ni Police Major Milan Naz bandang alas 10:10 kagabie, Nobyembre 16, 2021 sa Ponte Antonio, Babao, Purok 8, Brgy. Ilang, Bunawan District, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PMaj. Libera ang suspek na si Akram Jimlani, 32 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PMaj. Libera, pinagbilhan ng kanilang poseur buyer ang suspek ng isang sachet na may bigat na 0.02 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong libong piso (₱ 3,000).

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Act of 2002.

(Source: Davao City Police Office Special Operations Group)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img