Sunday, May 5, 2024

Dalawang akusado sa Maguindanao Massacre naghain ng ‘not guilty’ plea

- Advertisement -

Naghain ng ‘not guilty’ plea sa mababang korte sa Quezon City ang dalawa pang akusado sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre case.

Kasunod ito ng ginawang arraignment kina PO1 Alfie Pagabangan alyas PO1 Suari Esmail Pagabangan at PO1 Ysmail Baraquir ng QC RTC branch 221 sa kinakaharap na murder case.

Sa pagbasa ng sakdal, kapwa iginiit ng dalawang akusado na inosente at wala silang kinalaman sa naturang krimen.

Matatandaang, Enero 28 ng maaresto ng mga otoridad si Pagabangan sa Lambayong, Sultan Kudarat; habang sumuko naman si Baraquir sa pulisya noong Enero 21.

Sa ngayon, ipinalipat na sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa ni Judge Solis Reyes ang dalawang akusado habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso ng mga ito.

Matatandaang, Disyembre 19 ng ibaba ng korte ang hatol laban sa higit 100 akusado kung saan napatunayang guilty ang limang miyembro ng pamilya Ampatuan, ang mastermind sa krimen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img