Sunday, May 5, 2024

CHR iimbestigahan yung binigting lalaki sa tulay sa Talisay Cebu

- Advertisement -

Iniimbestigahan na ng CHR o Commission on Human Rights ang kaso ng pagpatay at pagsabit sa bangkay ng isang lalaki sa isang tulay sa Talisay City Cebu.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, nagpadala na ng Quick Response Team ang kanilang tanggapan sa Region 7 para siyasatin at tutukan ang nabanggit na kaso.

Kasabay nito, Mariing Kinondena ng CHR ang anila’y brutal na pagpatay gayudin ang mga katulad nitong kaso na nagkakait sa karapatan ng lahat na mabuhay at sa Due Process.

Batay sa ulat, natagpuang nakasabit sa tulay sa Talisay City Cebu ang bangkay ng lalaking kinilalang si Reynante Otero na nakatakip pa ng karton ang ulo at may nakasulat na katagang magnanakaw.

Sinasabing target sa isang Buybust Operation ang biktimang umano’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga at pagnanakaw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img