Russian Military na pumasok sa Airspace ng Korea pinaputukan ng warning shots

0
40

Pinaputukan ng ilang daang warning shots ng South Korean Military ang isang Russian Military Aircraft na pumasok sa kanilang Airspace.

Ayon sa opisyal ng Seoul Ministry of National Defense, ito ang kauna-unahang beses nagkaroon ng paglabag ang isang russian military aircraft.

Dagdag ng opisyal, ang pinaputukang eroplano ay 1 lamang sa 3 Russian Aircraft na pumasok sa Korea Air Defense Airspace Zone.

Maliban nito, namonitor din ng South Korea ang papasok din sa kanilang Airspace ng 2 Chinese Military Aircraft.