Monday, May 6, 2024

2 turistang Chinese nahulog sa bangka sa Panglao, Bohol patay

- Advertisement -

Patay ang 2 turistang Chinese matapos na mahulog sa bangka sa Panglao, Bohol.

Ayon kay Seaman first class Mark Philip tan ng Philippine Coastguard Western Bohol, kabilang ang 2 biktima sa 10 turistang sakay ng isang sailboat patungong Dojo point.

Hinampas umano ng malakas na alon ang paraw–type sailboat dahilan para mahulog ang 2.

Sinubukan ng mga pahinante ng bangka na sagipin ang 2 dayuhan ngunit  agad na inanod ng alon ang mga biktima.

Nakita rin ang bangkay ng mga biktima 1 oras matapos na mahulog sa bangka.

Inaalam na ng PCG kung tama bang gamitin ang mga paraw–type sailboat sa mga tourism activities at kung nagkaroon ng overloading.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img