Isang negosyante nalunod sa El Nido, Palawan patay

0
20

Patay ang isang negosyante matapos na malunod sa Helicopter Island sa El Nido, Palawan.

Ayon sa Mimaropa Police Regional Office, tumanggi ang biktimang si Oliver Tan Ong, 45 anyos na magsuot ng life jacket bago lumangoy.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita na lamang ang biktima na wala na itong malay na lumulutang sa tubig.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.