Sunday, May 5, 2024

Tiwala ng publiko sa war on drugs mas mahalaga — Dela Rosa

- Advertisement -

Kuntento na si Senator Ronald Bato Dela Rosa na tiwala ang publiko sa kampanya kontra illegal na droga ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ni Dela Rosa matapos na tawaging palpak ni Vice President Leni Robredo ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, hindi na kailangan pang pagtaluhan kung palpak o hindi ang nasabing kampanya, dahil ang mas mahalaga kung ano ang tingin o opinyon ng publiko dito.

Sinabi ng Senador na tanging ang publiko lamang ang “best indicator” kung nagtagumpay ba ang war on drugs.

Kaugnay nito, binigyang diin pa ni Dela Rosa na batay sa 2016 SWS survey, 84% ng mga Pilipino ang naniniwalang matagumpay ang war on drugs.

Matatandaang sa inilabas na drug war report ni Robredo, binigyan nito ng bagsak na marka ang kampanyang ito ng pamahalaan, dahil isang porsyento lamang aniya ng kabuuang suplay ng illegal na droga sa bansa ang nakumpiska ng mga otoridad sa nakalipas na tatlong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img