28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Alert level 3 itinaas na sa bulkang Taal matapos mag-alburuto

- Advertisement -

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang status sa bulkang Taal.

Ito ay matapos na mag-alburuto at maitala ang mahinang pagsabog sa bulkan, kanina lamang 2:00 ng hapon.

Batay sa datos ng PHIVOLCS, kanina lamang 11:00 ng maitala nila ang pagdami ng volcanic earthquake sa bulkang Taal kung saan tumaas ang steaming activity, at namamaga pa ang bunganga nito.

Sinabi ng PHIVOLCS na sa unang pag-aalburuto ng bulkan, naglabas ito ng usok na may taas na 20 hanggang 30 kilometro na may kaugnayan sa hydro thermal activity.

Sinundan naman ito ng  mas malaking pag-sabog na nagdulot ng isang kilometrong eruption flow.

Sa ngayon, pinalilikas na ng PHIVOLCS ang lahat ng residente sa Taal Volcano Island.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -