32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Unang batch ng mga OFW na umuwi mula Middle East inaasahang dadating sa Lunes, Enero 13

- Advertisement -

Inaasahan nang dumating sa Pilipinas sa Lunes, Enero 13 ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na inlikas mula sa Iraq.

Ito mismo ang kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan sinabi nito na nasa Philippine Embassy na sa Iraq ang unang batch ng mga OFW’s na binubuo ng 14 na Pilipino.

Aniya, tiniyak mismo ni special envoy to the Middle East at DENR Sec. Roy Cimatu na sa Lunes pa lilipad patungong Pilipinas ang mga inilikas na OFW mula Doha Qatar.

Matatandaang, nagpatupad ang pamahalaan ng mandatory repatriation o puwersahang pagpapalikas sa mga OFW na nasa Middle East dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -