Nagsagawa ng seremonya ng ika79th Araw ng Kalayaan sa siudad ng Baguio

0
16
Photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Nagbigay pugay si PRO Cordillera Regional Director Police Brig. General David K. Peredo Jr. sa mga namayapang sundalo noong nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig sa isang seremonyang isinagawa upang gunitain ang ika 79th na Araw ng Kalayaan mula kamay ng Japanese Imperial Army noong araw ng Sabado – Abril 27 ng taong ito.

Dumalo rin si City Mayor, Hon. Benjamin B. Magalong at Baguio City Police Office, City Director PCOL Francisco B. Bulwayan Jr., sa naturang pagtitipon.

Ang seremonya ay ginanap sa Veteran’s Park, Harrison Road, Lungsod ng Baguio na dinaluhan din ng beterano ng ikawalang digmaang pandaigdig, ang kanilang mga miyembro ng pamilya, na retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, mga kasapi ng Veterans of Foreign Wars, at ang Philippine Veterans Affairs Office.

Ang 21-gun salute at paglalagay ng bulaklak ay isinagawa din bilang pagpupugay sa mga namayapang kawal ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sinundan ito ng mensahe ni Mayor Magalong, na nagbibigay diin sa kahalagahan ng natutuhang leksyon mula sa matatapang na bayani sa kasalukuyang hinaharap ng bansa.

Sa kabilang dako naman ang panauhing pangdangal at tagapagsalita na si Police BGen Peredo, Jr., ang tumalakay naman sa pagpapahalaga ng mga sakripisyo ng mga bayani ng ikalawang digmaang pandaigdig. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply