Monday, May 6, 2024

Senior official ng AFP posibleng nasawi dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Papalo na sa 1,137 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo, mula sa nabanggit na bilang,  473  sa mga ito ang active cases.

Isandaan at tatlumpu’t walo (138) naman aniya ang mga sunalo na gumaling sa nasabing sakit at hinihintay na lang ang kanilang medical clearances.

Nasa 517 aniya ang cleared na sa COVID-19 sa hanay ng AFP at nakabalik na sa kanilang mother units habang siyam naman ang bilang ng mga nasawi.

Kasunod nito, kinumpirma rin ni Arevalo na isang senior official ng AFP ang nasawi habang ginagamot sa V. Luna Medical Center nuong Agosto a-6.

Gayunman, hinihintay pa ang resulta ng covid test ng nasawing opisyal ng militar bagama’t sinasabing may mga sintomas na ito ng COVID-19.

Sakaling makumpirma ang resulta, sinabi ni Arevalo na aakyat na sa sampu ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng AFP dahil sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img