Friday, May 3, 2024

RITM sinimulan na ang pagsuri sa mga samples ng nCoV

- Advertisement -

Sinimulan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang pagsusuri sa mga samples kaugnay ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay Health Spokesman Usec. Eric Domingo, ito ay matapos matanggap ng RITM ang primer mula sa Australia upang maisagawa na sa bansa ang confirmatory test sa mga specimen mula sa mga inooberbahan dahil sa nCoV.

Dahil dito, sinabi ni Domingo na mapadadali na ang pagtukoy sa kaso ng nCoV sa bansa kung saan maaring mailabas ng RITM ang resulta ng pagsusuri sa loob ng isa hanggang dalawang araw.

The test will be done here in the Philippines and it will save a lot of time because yung handling and then coordinating and transfering human samples that might be infected, it would take 3-4 days to get from here to Australia and the actual testing would take 24 to 48 hours so, yung 3 to 4 days ‘yon ang mababawas,” ani Domingo.

Paliwanag ni Domingo, dati kasi ay inaabot ng apat na araw ang pagpapadala pa lamang ng samples sa Australia kung saan isinasagawa ang confirmatory testing.

Lastly, we can do it on all samples that we need to do kasi with the WHO protocol sending samples to the reference lab to Australia andami pa nating ginagawa pa na preliminary test, may screening pa, tapos pipili lang tayo ng pwede nating ipadala. So, ngayon mas madali na, kapag PUI and we think we need to test for that 2019-nCoV, we will be able to do it and we will do it quickly now,” ani Domingo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img