30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Drew Arellano at Iya Villania magkakaroon na ng ikatlong anak

- Advertisement -

Maligayang maligaya ngayon ang mag asawang Drew Arellano at Iya Villania.

Kasabay ng kanilang ika–6 na anibersaryo ay ibinahagi ng mag asawa sa kanilang vlog na magkakaroon na sila ng ikatlong anak.

Mangiyak ngiyak pa si Drew nang makita at mabasa ang card na ibinigay ng kanyang asawa kung saan nakalagay ang uktrasound nito.

Buntis ngayon si Iya na nasa second trimester na ng kanyang pagbubuntis.

Makikita naman sa video na masayang masaya rin ang ina ni Iya kung saan humirit ito na sana ay baby girl na maging kasunod na baby ng mag asawa.

May dalawa nang anak ang mag asawa si Primo, 3 taong gulang at si Leon na 1 taong gulang.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -