35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Saline gargle wala pang matibay na ebidensya na kayang puksain ang nCoV — Domingo

- Advertisement -

Hindi pa napatutunayan na epektibo laban sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) ang saline gargle o ang pagmumumog ng tubig na may kasamang asin.

Ito ang binigyang linaw ng Department of Health (DOH) matapos na kumalat sa social media na mabisa ang saline gargle laban sa impeksyong dala ng nCoV.

Ayon kay Health Spokesman Usec. Eric Domingo, wala pang matibay na ebidensiya na kaya nitong puksain ang virus.

Sinabi ni Domingo na wala namang masamang dulot ang pagmumumog ng tubig na hinaluaan ng asin, dahil isa aniya itong home remedy na matagal nang ginagawa ng maraming Pilipino dahil nakatutulong ito sa sore throat.

I don’t think there’s any evidence that will show that it will kill a virus,” ani Domingo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -