Iminumunkahi ni Mayor Magalong ang pagtulong-tulong sa pagsugpo sa dengue sa siudad ng Baguio

0
5
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang Baguio City Anti-Dengue Committee (BCADC), sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong, ay nagsagawa ng espesial na pagpulong sa Orchard Hotel noong nakaraang Biernes upang tugunan ang tumataas na bilang ng kaso ng dengue at magsagawa ng aksyon upang pag-igtingin pa ang pagmamatyag, ang kamalayan ng publiko at ang IEC campaign, at ang kontra laban sa dengue at ang paglilinis o ang mga clean-up drives.

Dumalo rin sa special na pagpupulong sila City Health Officer Dr. Celiaflor Brillantes, at City Council Committee on Health Chair Councilor Betty Lourdes Tabanda, Iniulat ni Dr. Donnabel Panes, ang pinuno ng City Epidemiology and Surveillance Unit, na may pagtaas sa bilang ng kaso ng dengue na 260 cases ang naitala simula pa noong Enero na may clusters sa limang barangay sa lungsod.

Sinabi rin ni Panes na may possibilidad na marami pa ang kaso na hindi naiiulat. Anya mayroon lamang 93 ang natanggap sa mga pagamutan at ang datos ngayon ay ibinibigay ng mga ospital at ng iba pang pasilidad pangkalusugan.

Upang palakasin pa ang pagmamatyag, ang City HSO gumawa ng monitoring system kasama rito ang mga health laboratories at ang pag-uulat ng mamamayan na nagnanais na mapababa pa ang kaso ng dengue lalung lalo na kasagsagan ng mga buwan na kung saan ito mataas tulad ng Hunyo, Hulyo at Agusto.

Habang binigyang diin ni Mayor Magalong ang pangangailangan ng pagtutulungan sa miyembro ng committee, ng mga barangay at maging sa mga taga Baguio sa pagsugpo ng dengue.

Binigyan diin ng Ama ng Lungsod ang kahalagahan na matatag na bio-surveillance upang mabawasan o dili kaya mawalan na ng tuluyan ito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply