Friday, May 17, 2024

Pangambang maubos ang yamang-dagat sa West Ph Sea sinopla ng Palasyo

- Advertisement -

Sinopla ng Malacañang ang pangamba ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na mauubos ang yamang dagat sa West Philippine Sea kung patuloy na papayagan ang China makapangisda gamit ang malalaking fishing fleet.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, masyadong malawak ang karagatang sakot ng West Philippine Sea, kaya’t malabo na maubos ang mga isda dito.

Ani Panelo, nanganganak at dumarami naman ang isda, kaya’t hindi na dapat mangamba pa ang kritiko na mauubos ang mga isda sa naturang karagatan.

Paliwanag pa ni Panelo, hindi niya mabatid kung ano ang pinaghuhugutan ni Carpio na mauubos ang isda sa West Philippine Sea.

Samantala, tiniyak rin naman ni Panelo na hindi naman agrabyado ang Pilipinas kung papayagan ng pamahalaan ang China na makapangisda sa karagatang sakop ng EEZ ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -