Friday, May 3, 2024

Palasyo aminadong kontrolado ng China ang South China Sea

- Advertisement -

Aminado ang Palasyo ng Malacañang na kontrolado ng China ang pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na ang military installation ng China sa lugar ay patunay lamang na sila ang kasalukuyang may kontrol dito.

Aniya ang paglalagay ng China ng military installation sa pinag-aagawang teritoryo ay isang paraan nang pagpapakita sa Pilipinas na kaya nilang bantayan ang naturang lugar.

Kaugnay nito, igiit pa ni Panelo na hindi naman kailangan ng China na maging ‘physically present’ sa halos 10,000-ektaryang sakop ng naturang karagatan, dahil naniniwala anya ang China na sila ang may legal possession sa pinag-aagawang teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img