Produktong Petrolyo nagpatupad ng tapyas presyo

0
44

Nagpatupad ng tapyas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong araw na ito

25 sentimos ang tapyas sa kada litro ng Gasolina, 20 sentimos ang bawas sa kada litro ng Diesel habang 40 sentimos naman ang itinapyas sa kada litro ng Kerosene

Epektibo alas 6 kaninang umaga, nagpatupad ang mga kumpaniyang Shell, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Petro Gazz at Petron

Una nang nagpatupad ng kanilang Rollback, alas 12:01 kaninang madaling araw ang Caltex at Clean Fuel habang kahapon pa nag-rollback ang kumpaniyang Seaoil sa kanilang mga produkto