Sunday, May 5, 2024

Pananambang sa Lanao del Sur nuong bisperas ng pasko magsasagawa ng imbestigasyon

- Advertisement -

Magsasagawa ng parallel investigation ang militar at pulis sa insidente ng pananambang sa Lanao del Sur nuong bisperas ng pasko.

Matatandaang nasawi dito ang 2 sundalo habang sugatan ang 5 iba pa.

Ayon kay Lanao del Sur Police Director Col. Madzgani Mukaram, ang magkahiwalay na imbestigasyon ay para matukoy ang naging pangyayari at motibo sa pag atake at kung mayroon itong kinalaman sa naunang insidente ng pananambang nuong Martes.

Kasabay nito ay nagpapatuloy din ang manhunt operation para sa mga nasa likod ng panibagong pag atake.

Samantala, dahil sa magkakasunod na insidente ng pag atake ay inihirit ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. na palawigin ang martial law sa Mindanao o hindi kaya naman ay kahit sa Lanao del Sur na lamang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img