Pahayag ni Lacson kaugnay sa Duterte legacy kinondena ng Palasyo

Pahayag ni Lacson kaugnay sa Duterte legacy kinondena ng Palasyo

by Powered by DWIZ
27 views

Kinondena ng Malakanyang ang naging pahayag ni Senator Panfilo Lacson na masyado pa maaga para isapubliko ang Duterte legacy, gayung may dalawang taon pa ito sa kanyang panunungkulan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may karapatan ang gabinete na isapubliko ang mga nagawa ng pangulo dahil kakaiba at mas marami ang nagawa nito kumpara sa nakalipas na administrasyon.

Aniya, layon lamang ng pangulo na gawing mapayapa ang kapaligiran at paunlarin ang bansa maging ang buhay ng bawat Pilipino.

 

0 comment

Related Posts