Pres. Trump inimbitahan si Pang. Duterte na dumalo sa US ASEAN Summit

Pres. Trump inimbitahan si Pang. Duterte na dumalo sa US ASEAN Summit

by Powered by DWIZ
29 views

Inimbitahan ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte, na dumalo sa  US ASEAN Summit na gaganapin sa Las Vegas sa March 4, 2020.

Ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), nauna nang imbitahan ni Trump ang ilang ASEAN leaders habang isinasagawa ang ASEAN summit sa Bangkok nakaraang buwan ng Nobyembre.

Nakasaad rin sa inilabas na statement ng PCOO, inaasahang paiigtingin ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa muling pagkikita ng dalawang pangulo ng naturang bansa.

Samantala, ang imbitasyon ni Trump ay kasunod ng inaprubahang nitong resolusyon na naglalayong magpataw ng parusa at pagbabawal pumasok sa Amerika ang lahat ng may kinalaman sa pagkakakulong ni Senadora Leila de Lima.

0 comment

Related Posts