Political will ni dating Pang. Marcos nais gayahin ni Duterte

Political will ni dating Pang. Marcos nais gayahin ni Duterte

by Powered by DWIZ
29 views

Nilinaw ng Malakanyang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gayahin ang ‘political will’ ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at hindi ang estilo nito ng pag kakasa ng martial law sa bansa.

Ito ay matapos na magbigay ng pahayag ang pangulo na kaya rin nitong gawin ang ginawa ni Marcos na pagpapa-aresto kina Fernando Zobel de Ayala na may ari ng Manila Water at Manny Pangilinan na may ari ng Maynilad, dahil sa tagilid na kontrata nito sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, ipapa-aresto lamang ni Pangulong Duterte ang dalawang may ari ng water concesionaire kung may lalabagin ang mga ito at kung may ihahain na warrant of arrest.

Aniya, ang pagsasampa ng kaso ng pangulo laban sa dalawa ay dadaan sa legal na proseso.

Samantala, iginiit rin ni Panelo na mas malakas ang political will ni Pangulong Duterte kaysa kay Marcos.

0 comment

Related Posts