Monday, May 6, 2024

Paggamit DIY face masks inirerekomenda ng DOH vs. COVID-19

- Advertisement -

Inirerekomenda ng Department of Health (DOH)  ang pag-gamit ng do-it-yourself (DIY) face masks bilang proteksyon sa panganib ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, maari naman kasing improvised masks na lamang ang gamiting face masks lalo na ng mga indibidwal na hindi naman gaanong expose sa panganib, kumpara sa mga health care workers.

Sinabi ni Vergeire, sa ngayon kasi ay mayroong kakulangan sa suplay ng personal protective equipment (PPE)’s, surgical masks, N95 masks.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni vergeire na nakatakdang maglabas ng guidelines ang DOH hinggil sa tamang pag-gamit ng PPE’s sa iba’t-ibang sitwasyon.

Maalalang, ino-obliga na ng pamahalaan ang publiko na magsuot ng face masks para sa mga lugar na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img