Thursday, May 9, 2024

NCRPO naka-full alert status na ngayong araw kaugnay sa SONA 2019

- Advertisement -

Aabot sa 14,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang peace and order at ang seguridad ng publiko sa kasagsagan ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Ito, ayon mismo kay NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, kung saan isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng NCRPO simula ngayong araw.

Sa kabuuang bilang ng mga ipakakalat na pulis, 9,000 dito ang ipakakalat sa Batasang Pambansa, at mga lugar kung saan magsasagawa ng kilos protesta ang iba’t-ibang mga militanteng grupo.

Samantala, muli namang tiniyak ni Eleazar na walang banta sa seguridad ngunit sinabi nito na may inihahandaang contingency plan ang pulisya sakaling muling ulitin ng Pangulong Duterte ang pagharap sa mga raliyista kagaya ng ginawa nito noong SONA 2017.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img