- Advertisement -
Posible nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P20-coin bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon sa BSP, gagawin na lamang nilang barya ang P20-bill dahil mas tumatagal ang barya kaysa sa perang papel.
Paliwanag pa ng BSP, ang P20-bill rin ang pinaka-gamit na perang papel sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi naman ni BSP Assistant Governor Dahlia Luna, na ipinag-utos na ng monetary board ang pagsasapinal ng disensyo ng panukalang P20-coin.
- Advertisement -