33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

‘Anti-endo bill’ posibleng maisabatas sa susunod na linggo

- Advertisement -

Posible nang maging ganap na batas ang ‘Anti-endo bill’ kung hindi ito aaksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa susunod na linggo.

Niratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso ang naturang panukalang batas noong pang buwan ng Mayo at ipinadala para sa  lagda ng pangulo noong Hunyo 27.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang binabanggit ang pangulo ukol dito.

Paliwanag ni Panelo, napakarami kasing ginagawa ng pangulo kaya’t minsan hindi na nito naasikaso ang paglagda sa mga nakatambak na dokumento.

Gayunman, sinabi rin ni Panelo na posible pa ring ikunsidera ng pangulo ang oposiyon sa naturang panukala na hindi ito makabubuti sa ekonomiya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -